Anak, maapektuhan ang pag-iisip dahil sa mental illness ng mga magulang sa '#MPK'

Usapin tungkol sa mental health ang tatalakayin sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Sa Puso't Isipan," kuwento ito ng isang anak na magsisilbing tagapangalaga ng kaniyang mga magulang na parehong may mental illness.
Kahit nag-aaral pa, nangangalakal na ng basura at nagtitinda ng pagkain si Andrew para kumita ng pera.
May schizophrenia kasi ang kaniyang amang si Bobet habang may bipolar disoder at epilepsy ang nanay niyang si Francia.
Dahil sa kondisyon ng mga ito, nagiging bayolente sila at napipilitan si Andrew na ikulong sila sa isang silid.
Bukod sa kaniyang mga magulang, kay Andrew lang din umaasa ang mga nakababata niyang kapatid na sina Abet at Angelica.
Kung si Andrew ang tagapangala ng kaniyang pamilya, sino naman kaya ang mag-aalaga sa kaniya? Paano kung maapektuhan na rin ang sariling mental health ni Andrew?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Sa Puso't Isipan: The Cantillana Family Story," August 26, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Ito ang ika-apat at huling episode sa month-long special ng '#MPK' kung saan bibigyang-buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang apat na inspiring stories ng mga pambihirang tao.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






