Buhay ni Lani Misalucha, tampok sa '#MPK'

Isang celebrity life story ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Matutunghayan ngayong Sabado ang kuwento ng buhay ni Asia's Nightingale Lani Misalucha.
Mula sa bacterial meningitis na nakapinsala ng kanyang pandinig, hanggang sa pagkakasangkot sa isang pyramid scam na umubos sa savings ni Lani, masusubukan ang kanyang tatag, pananamapalataya pati na ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Noli.
Paano nalampasan ni Lani at lahat ng ito? Saan siya humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang kanyang pag-awit?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Voice of Love: The Lani and Noli Misalucha Love Story," September 9, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






