Batang hamog, aampunin ng tanod sa '#MPK'

Inspiring na kuwento ng isang batang lansangan ang hatid ng brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Ang Batang Hamog," kuwento ito ni Boy na sa murang edad ay sa lansangan na nakatira.
Simula apat na taong gulang, palaboy na si Boy dahil wala na siyang mga magulang.
Buti na lang, kukupkupin siya ng barangay tanod na si Cion. Palalakihin ni Cion si Boy na tulad ng kanyang mga anak kahit na nagseselos ang mga ito sa bata.
Gustung-gusto ni Boy na makilala ang tunay niyang mga magulang. Magiging sapat na ba sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga ni Cion?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Ang Batang Hamog: The Boy Zobel Story," September 16, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






