Buhay ni Kiray Celis, tampok sa '#MPK'

GMA Logo The Kiray Celis Story

Photo Inside Page


Photos

The Kiray Celis Story



Isang celebrity life story ang tampok sa brand new episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Ang makulay na buhay ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis ang mapapanood ngayong Sabado.

Si Kiray pa mismo ang gaganap sa kanyang sarili at magdadala ng signature comedic style niya sa episode.

Tampok dito ang mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ni Kiray lalo na noong bahagyang lumamlam ang kanyang career bilang isang artista.

Mapapanood din dito ang kakaibang love life ni Kiray na puno ng mga lalaking hindi siya nirerespeto at naging sanhi ng tampuhan sa pagitan niya at kanyang mga magulang.

Abangan ang kuwento ng buhay ni Kiray Celis sa brand new episode na "I Am Beautiful: The Kiray Celis Story," December 2, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Kiray Celis
Radson Flores
Tina Paner
Smokey Manaloto
Family
Love life
The Kiray Celis Story

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding