Babae, ayaw matulad sa kanyang mahinang ina sa '#MPK'

Kakaibang family set up ang mapapanoood sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Dysfunctional ang pamilya ni Zari at ang lola niyang si Saning na ang nagpalaki sa kanya.
Nagbubulagbulagan kasi ang kanyang nanay na si Melba sa mga pagkakamali ng babaero at iresponsableng tatay ni Zari na si Arjan.
Dadalhin pa mismo ni Arjan sina Melba at Zari sa bahay ng kabit nitong si Nancy para dito makitira.
Hindi inaasahan ni Zari na may anak na rin sina Arjan at Nancy, pero mas ikagugulat niyang tatanggapin na lang ni Melba ang ganitong sitwasyon.
Dahil sa karanansan niya sa kanyang mga magulang, sisikapin ni Zari na hindi matulad sa kanyang ina.
Abangan ang brand new episode na "I Am Not My Mother," December 9, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






