Anak, napariwara dahil hindi minahal ng ama sa '#MPK'

Kuwento ng pagmamahal sa pagitan ng ama at anak ang tampok sa brand-new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "The Rejected Son," tungkol ito sa isang anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang ama.
Si Darwin ang panganay na lalaki sa isang tradisyunal na Filipino-Chinese family kaya mataas ang expectations ng tatay niyang si Henry sa kanya.
Pero hindi talaga magawa ni Darwin ang inaasahan sa kanya ni Henry. Nakakaranas pa siya ng pananakit mula dito kapag hindi niya naaabot ang standards nito.
Dahil sa kakulangan ng pagmamahal mula sa kanyang ama, mapapariwara si Darwin. Magiging palaboy siya at malululong pa sa droga. Magpo-positibo rin si Darwin sa HIV.
Magagawa pa ba niyang makuha ang pagmamahal ng kanyang ama? Makakapag bagong-buhay pa sa si Darwin?
Abangan ang brand-new episode na "The Rejected Son," February 10, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






