Babaeng nasaktan, nag-aalangan sa bagong pag-ibig sa '#MPK'

Kuwento ng dalawang taong bigo sa pag-ibig ang tampok sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Second Chance sa Forever," kuweto ito nina Sally at Bobby na parehong nasaktan pero magkaiba ang naging pananaw sa pag-ibig.
Battered wife si Sally at magagawa niyang iwan ang asawa para magtrabaho sa ibang bansa. Wala siyang ibang inatupag kundi ang makapag-ipon para mabawi niya ang kanyang mga anak.
Si Bobby naman, paulit-ulit na niloko ng kanyang asawa. Gayunpaman, hindi siya natakot na maghanap ng bagong pag-ibig.
Matatanggap kaya ni Sally si Bobby sa kanyang buhay?
Abangan ang brand-new episode na "Second Chance sa Forever," March 2, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






