Anak na nagtatrabaho sa malayo, pagtataksilan ng sariling ina sa '#MPK'

Isang kakaibang kuwento ng mag-ina ang tampok sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Ina Kong Ahas," kuwento ito ng isang anak na pagtataksilan ng sarili niyang ina.
Mapipilitang magtrabaho sa Maynila si Myla dahil na rin sa kahirapan.
Ayaw sana niyang lumayo sa kanilang probinsya pero kailangan niyang magtrabaho dahil hindi rin maasahan ang babaero niyang asawang si July.
Ipapabantay na lang ni Myla ang asawa sa nanay niyang si Lucing na nabiyuda kamakailan.
Pero si Lucing pa mismo ang magtataksil sa sarili niyang anak dahil magkakaroon sila ng relasyon ni July.
Anong mangyayari kung matuklasan ito ni Myla? Posible pa ba ang kapatawaran sa pagitan ng mag-ina?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Ina Kong Ahas," March 9, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






