Tom Rodriguez, bibigyang-buhay ang kuwento ng isang kapwa aktor sa '#MPK'

Nagbabalik mula sa dalawang taong pamamahinga ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bilang unang acting project simula noong bumalik siya mula sa Amerika, bibigyang-buhay ni Tom ang kuwento ng kapwa Kapuso actor na si Bryan Benedict.
Nagsisimula pa lang umbusong ang career ni Benedict nang kailangan niyang huminto rito para alagaan ang kanyang mga magulang.
Halos mabulag na kasi ang kanyang tatay na si Loy, habang bingi naman ang nanay niyang si Edith. Bukod dito, magkakaroon ng Alzheimer's disease ang kanyang ina kaya kailangan niyang tumutok sa pag-aalaga dito.
Abangan ang isa na namang natatanging pagganap mula kay Tom Rodriguez sa brand-new episode na "A Mother to Remember: The Bryan Benedict Story," March 16, 8:15 p.m. sa #MPK.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:45 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






