Joem Bascon, bibida sa kanyang unang '#MPK' episode

Sa unang pagkakataon, bibida si Joem Bascon sa isang sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa episode na "Freedom to Love," gaganap si Joem bilang bilanggong si Honnie. Habang nasa piitian, makikilala ni Honnie ang transgender woman at kapwa inmate na si Loyda. Di kalaunan ay mahuhulog ang loob ni Honnie sa angking kabutihan si Loyda.
Paglabas nila ng kulungan, matatanggap ba ng mga taong nakapaligid sa kanila ang pag-iibigan nila?
Abangan ang unang pagganap ni Joem Bascon sa brand-new episode na "Freedom to Love: The Loyda and Honnie Love Story," March 23, 8:15 p.m. sa #MPK.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:45 p.m. Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






