Buhay ni Taylor Sheesh, tampok sa '#MPK'

Si Taylor Sheesh ay isang sikat na drag performer at impersonator ng pop superstar na si Taylor Swift.
Tampok ang kanyang buhay sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Si Mac Coronel ang tao sa likod ng drag persona na si Taylor Sheesh.
Bago nag-viral dahil sa kanyang Taylor Swift-inspired drag performances, hindi out si Mac sa konserbatibo niyang mga magulang.
Ngayong nagtatamasa na siya ng tagumpay, makukuha rin kaya niya ang pagtanggap ng kanyang mga magulang?
Abangan ang kuwento ng buhay ng drag performer na si Taylor Sheesh sa brand-new episode na "Taylor-Made Success," April 13, 8:00 p.m. sa #MPK.
May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






