Babae, na-in love sa kanyang bayaw sa 'Magpakailanman'

Tampok ang kuwento ng isang misis na naghahanap ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga sa brand-new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Maagang nagpakasal nina Lilie at Edgar. Maraming bisyo at babaero si Edgar at kung hindi niya sinasaktan si Lilie, pinapabayaan naman niya ang mga responsibilidad niya sa kanilang tahanan.
Ang nakakatandang kapatid ni Edgar na si Roy ang sumasalo sa mga pagkukulang niya. Dahil dito, hindi mapipigilan ni Lilie na mahulog ang loob sa mabait niyang bayaw.
Ano'ng mangyayari kapag nalaman ni Edgar ang tungkol sa relasyon nila? Paano na rin kung magbunga ang pagmamahalan nina Lilie at Roy?
Abangan ang brand-new episode na "Huwag, Bayaw!," May 4, 8:00 p.m. sa Magpakailanman.
May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:





