Tatay na may sakit, suportado pa rin ang pangarap ng anak sa 'Magpakailanman'

Inspiring na kuwento ng mag-ama ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa special Father's Day at Pride Month presentation na pinamagatang "Papa's Boy," mapapanood ang kuwento nina Arnulfo at Alfritz.
Aspiring singer si Alfritz kaya si Arnulfo mismo ang nagturo at nagsanay rito sa pagkanta. Tanggap din ni Arnulfo ang pagkatao ni Alfritz bilang isang out and proud gay man.
Dahil sa kanilang pagsisikap, makakapasok sa mundo ng teatro at pag-awit si Alfritz. Pero kasabay nito ang pagbagsak ng kalusugan ni Arnulfo.
Ipagpapatuloy ba ni Alfritz ang paghabol sa kanyang mga pangarap o pipiliin ba niyang alagaan si Arnulfo?
Abangan ang brand-new episode at special Father's Day at Pride Month presentation na "Papa's Boy," June 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






