Buhay ni Euleen Castro, tampok sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng bullying at self-esteem ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "Pambansang Yobab," ito ang life story ng sikat na content creator na si Euleen Castro.
Mababa ang kumpiyansa sa sarili ni Euleen dahil nakaranas siya ng matinding bullying dahil sa kanyang laki at bigat.
Kahit napapalibutan siya ng supportive na mga kaibigan at mga magulang, mababa pa rin ang self-confidence niya dahil sa pangungutya.
Paano matututunan ni Euleen mahalin ang kanyang sarili?
Abangan ang brand-new episode na "Pambansang Yobab," June 29, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






