Isang anak, tatlo ang ama sa 'Magpakailanman'

Tampok ang isang kakaibang pamilya sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Tatlo Ang Tatay Ko," tatlong magkakaibang lalaki ang kagigisnang ama ng dalagang si Lara.
Si Lara ay anak ni Becca at Chito pero dahil teenager pa lang sila noong ipanganak ito, aabandonahin sila ni Chito.
Muli lang siyang babalik sa buhay ni Lara noong dalaga na ito. Magkakaroon naman ng bagong karelasyon na si Becca kay Romy pero maghihiwalay din sila dahil sa pakikiapid nito.
Darating sa buhay ng mag-ina si Fernan at magpapakasal sila ni Becca.
Kamusta kaya ang relasyon ni Lara sa tatlo niyang ama?
Abangan ang brand-new episode na "Tatlo Ang Tatay Ko," August 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






