Babaeng may kondisyon sa balat, lumayo sa pamilya sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang babaeng may kakaibang kondisyon ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story," isang karamdamang walang lunas ang tatama kay Coleen.
Mada-diagnose niya ng scleroderma, isang autoimmune disease na nagdudulot ng paninigas at paninikip ng kanyang balat.
Bukod sa hirap siyang igalaw ang kanyang mga daliri, tila mababanat din ang balat sa kanyang mukha na magiging sanhi ng pag-angat ng kanyang labi at lalong paglitaw ng kanyang mga ngipin.
Dahil sa kanyang hitsura, makakaranas ng matinding bullying si Coleen.
Magagawa pa bang mabuhay nang normal ni Coleen?
Abangan ang brand-new episode na "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story," October 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






