Same-sex couple, gustong magkaroon ng baby sa 'Magpakailanman'

Masusubok ang relasyon ng isang same-sex couple sa bagong episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "Wanted: Sperm Donor," tungkol ito sa same-sex couple na gustong magkaroon ng sarili nilang baby.
Galing sa abusive relationship si Lea (Rhian Ramos) nang makilala niya si Janine (Michelle Dee).
Magiging masaya ang kanilang pagsasama pero para kay Lea, mas makukumpleto sila kung magkakaroon sila ni Janine ng sarili nilang anak.
Napakalaking halaga ang kailangan para sa proseso ng sperm donation kaya maiisip ni Lea na gumawa ng baby sa "natural" na paraan kasama ang napili niyang sperm donor.
Paano ito makakaapekto sa relasyon nila ni Janine?
Abangan ang brand-new episode na "Wanted: Sperm Donor," November 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






