What's on TV

Magpakailanman presents "Zumba Dancing Boy: Balang"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 8:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tom Rodriguez confirms new marriage, shares message for ex-wife Carla Abellana
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Anu-ano ba ang mga pinagdaanang hirap at pagsubok ng pamilya ni Balang bago niya makamit ang tagumpay at kasikatan?


 


Isang biyaya sa pamilya ang pagkakaroon ng isang anak… lalo na’t ito’y lumalaking malusog at bibo. Dahil sa malimit kagiliwan ang mga batang malulusog ay hindi maiwasang kunan mo sila ng litrato o kaya video para maipagmalaki sa ibang tao…

Isa na rito ang batang si Balang --- Isa sa mga malulusog at cute na bata ngayon na minsang nangarap na sumikat at dahil sa tulong ng modernong teknolohiyang kung tawagin ay “social media”, milyun-milyun ang nakapanood ng kanyang mga videos na naging daan para sya ay maimbitahan ng mga palabas sa ibang bansa at makamit ang kasikatang mayroon sya ngayon.

Ngunit anu-ano ba ang mga pinagdaanang hirap at pagsubok ng kanyang pamilya bago dumating ang mga biyayang ito?

Isang batang nagsumikap para sa kanyang mga pangarap o swerte lang kaya ng maituturing ang lahat?

Gagampanan ito ng walang iba kundi ang ating Zumba dancing boy mismo na si John Philip “Balang” Bughaw! At makakasama sina Ms. Manilyn Reynes, Ryan Eigenmann, Susan Africa, Klea Pineda at Divine Aucina.

“Zumba Dancing Boy: Balang” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Real Florido, sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Georis Tuca.

Tutukan yan ngayong sabado, April 23, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines.