Dating mag-asawa, may second chance sa 'Magpakailanman'

Kuwento tungkol sa second chances ang tampok sa Valentine special at bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Unbreakable," iikot ang kuwento nito sa mag-asawang sina Charm (Meryll Soriano) at John Rey (Joem Bascon).
Masaya ang kanilang pagsasama sa unang mga taon matapos silang ikasal pero maghihiwalay din kalaunan.
Magkakaroon ng relasyon si Charm sa isang retired Fil-Am navy officer pero abusado ito kaya hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.
Magbabalik si John Rey sa buhay ni Charm at hihingi ito ng pangalawang pagkakataon.
Ano ang kahihinatnan ng second chance na ito para kina Charm at John Rey?
Abangan ang brand-new episode at special Valentine presentation na "Unbreakable," February 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






