Little person, takot umibig sa 'Magpakailanman'

Isang kakaibang kuwento ng pag-ibig ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Tall and Small," tungkol ito sa little person na si Ella (Jo Berry).
Takot umibig si Ella dahil batid niyang makakatanggap siya ng panghuhusga dahil sa kanyang kundisyon.
Bukod dito, ayaw din ni Ella na mamana ng mga magiging anak niya ang kundisyon na katulad ng sa kanya.
Gayunpaman, iibig si Ella kay Patrick (Mike Tan), isang lalaking may average height, kahit may alinlangan siya tungkol dito.
Tama bang magtiwala si Ella kay Patrick?
Abangan ang brand-new episode na "Tall and Small," February 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






