Manggagamot, hindi mapagaling ang sariling pamilya sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng pananampalataya ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Masusubok ang pananalig sa Diyos ng isang babae sa episode na pinamagatang "The Healer Wife."
Nabigyan si Fe ng pambihirang kakayanan na makapagpagaling ng maysakit sa pamamagitan ng pagdadasal.
Pero nang magkasunod na magkasakit ang asawa niyang si Mar at anak na si Elo, hindi niya mapagaling ang mga ito kahit ano pang dasal ang gawin niya.
Tuluyan na bang mawawalan ng pananamapalataya sa Diyos si Fe?
Abangan ang brand-new episode na "The Healer Wife," April 12, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






