Buhay ng komedyanteng si Alex Calleja, tampok sa 'Magpakailanman'

GMA Logo The Alex Calleja Story

Photo Inside Page


Photos

The Alex Calleja Story



Mapapanood ang talambuhay ng stand-up comedian na si Alex Calleja sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Sa Tamang Panahon: The Alex Calleja Story," ipapakita dito ang naging buhay ni Alex bago niya nakamit ang tagumpay.

Sa murang edad, inabandona ng tatay ni Alex ang kanilang pamilya.

Lumaki siya kasama ang nanay na lulong sa sugal.

Kahit sa container van lang nakatira, at kadalasan ay palipat-lipat pa, nagsikap si Alex na pumasok sa iba't ibang trabaho para mabuhay ang kanyang pamilya.

Paano magagamit ni Alex ang husay niya sa comedy para baguhin ang kanyang buhay?

Abangan ang brand-new episode na "Sa Tamang Panahon: The Alex Calleja Story," May 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


 Sef Cadayona
Snooky Serna
Richard Quan
Faye Lorenzo
Pinky Amador
Sa Tamang Panahon
The Alex Calleja Story

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones