Kuwento ng inang hindi mapagmahal, tampok sa 'Magpakailanman'

Isang Mother's Day special presentation ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Inang Walang Puso," tampok ang kuwento ni Gloria, isang ina na tila walang maibigay na pagmamahal sa kanyang mga anak.
Dahil lumaki sa isang mapang-abusong pamilya, naging malupit din si Gloria sa sarili niyang mga anak.
Nakaranas ng physical, verbal, emotional, at psychological abuse ang mga anak ni Gloria sa kanya, lalo na nung mabiyuda ito.
Magagawa kaya siyang patawarin ng kanyang mga anak?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Inang Walang Puso," May 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






