Ina, tila bisita lang sa kasal ng anak sa 'Magpakailanman'

Isang napapanahong kuwento ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "The Rejected Mother," kuwento ito ng isang ina na tila naging bisita lang sa kasal ng kanyang anak.
Kinailangan pa ni Mely na magmakaawa para mapapasok sa kasal ng anak niyang si Mags.
Pero kahit nakapasok na, hindi naman siya bahagi ng entourage o family pictures kasama ang bride at groom.
Bakit humantong sa ganito ang relasyon nila ni Mags?
Bukod dito, malayo din ang loob sa kanya ng nakababata niyang anak na si Junix.
Magiging maayos pa kaya ang relasyon ni Mely sa kanyang mga anak?
Abangan ang brand-new episode na "The Rejected Mother," June 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






