What's on TV

Magpakailanman presents "The Wowowin Grand Winner"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento ng mag-ina na nang dahil sa kahirapan ng buhay ay natutong pumasok sa lahat ng puwedeng pagkakitaan, malagpasan lang ang mga pagsubok sa buhay.


 

 

Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento ng mag-ina na nang dahil sa kahirapan ng buhay ay natutong pumasok sa lahat ng puwedeng pagkakitaan, malagpasan lang ang mga pagsubok sa buhay.

Si Rexy ay isang ina at namatay ang una nyang asawa dahil sa heart ailment kaya itinaguyod nyang mag isa ang 3 nyang anak  na sina Rotsini, Ria at Asie.

Pagkaraan ng ilang taon, may ipinakilala kay Rexy ang kanyang katrabaho na isang British guy. Noong una ay tawagan lamang sila, hanggang sa puntahan na siya ni Anthony Jones dito sa Pilipinas.

Si Anthony ay isang divorced guy.   Apat ang anak sa una ni Anthony na nasa UK. Nagkagustuhan sila agad. Boto naman ang tatlong anak ni Rexy kay Anthony. After three months, nabuntis agad si Rexy. Noong malaman ni Anthony na buntis si Rexy ay tuwang tuwa naman ito.

Pabalik balik si Anthony dito sa Pilipinas at sa UK. Gusto na sana sya dalhin ni Anthony sa UK pero kulang ang requirements ni Rexy gaya ng birth certificate.

Bago manganak si Rexy ay pinakasalan na sya sa huwes dito sa bansa ni Anthony. Bumalik si Anthony sa UK, pero puro kamalasan ang nangyari sa kanya. Nalugi ang pinapasukan nyang construction business at nagkasakit dala ng depression.

'Di na nakagisnan ni Shayne ang kanyang ama.  'Di na alam ni Rexy kung saan makokontak pa si Anthony.  Lumipas ang mga taon inisip nya na marahil patay na si Anthony. 

May tumulong naman sa kanila kaya napunta sila sa isang resettlement area sa Cavite.  Dahil maganda si Shayne ay sumasali ito sa mga beauty contest, at magaling din syang kumanta kaya lahat ng mga singing contest ay sinasalihan nya kahit malalayong lugar. Nanalo naman sya at ang prize nya ang ginagamit nila panggastos sa bahay.

Ngayon taon lang ay sinearch ni Shayne  sa  Facebook ang pangalan ng tatay niya, baka sakaling makita nya muli ang kanyang ama.  Minsan ay pinost nya ang picture ng tatay at nanay nya sa Facebook at nagulat sya na may nag chat sa kanya na ang pangalan ay Paola Jones na taga UK. Tinanong sya ni Paola kung bakit may picture siya ng ama nito? Dito na nila nalaman ang buong istorya ng siya pagkatao ni Shayne. Sinabi ni Paola na buhay pa ang kanilang ama pero may ibang pamilya na rin si Anthony.

Sa kagustuhang suwertihin ay sumali si Shayne sa Wowowin at dito ay nanalo sya ng isang milyon at house and Lot!

Tunghayan ang makulay na buhay ni Shayne Jones na gagampanan ni Sanya Lopez at Rexy Soliman na gagampanan naman ni Candy Pangilinan. Makakasama rin nila sa episode sina Diva Montelaba, Rich Asuncion, Geraldin Villamin, Joemarie Nielsen, Beatriz Imperial, Michelle Bea Paloma.. 

Ang "Wowowin Grand Winner: The Rexy Soliman and Shayne Jones Story” ay sa ilalim ng direksyon ni Rico Gutierrez. Sa panulat ni Senedy Que at sa pananaliksik ni Angel Lauño.

Mapapanood ngayong Sabado , September 17, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.