What's on TV

Magpakailanman presents "The Kim Domingo story"

Published July 13, 2017 12:34 PM PHT
Updated July 13, 2017 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento ng sexy siren at sweetheart ng showbiz na si Kim Domingo.

Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento ng sexy siren at sweetheart ng showbiz na si Kim Domingo.

'Di nakilala ni Kim ang kanyang ama na isang French dahil sa short-lived lang ang naging relationship ng nanay nya na si Nanay Filipina. 

Sa lola at nanay na lumaki si Kim.  May isang maliit na tindahan at lugawan lang sila sa tabi ng maliit nilang bahay. 'Di na muling nag-asawa ang kanyang ina. Mahigpit naman ang lola nya sa kanya at may curfew sa oras. Dahil maganda at tisay, laging syang kasama sa mga school programs dahil nga may foreign blood ang beauty nya.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Kim nang na in-love ang nanay nya sa isang lasenggo, kung kailan naman nasa 50s na ito. Pinabayaan na sya ng nanay nya mula nang na in-love ito.  Isang umaga, umalis  ang kanyang ina kasama  ang boyfriend nito. Pagkatapos nun, hindi na nakita ni Kim ang kanyang ina. Dahil wala nang source of income si Kim at lola nya, sinara na ang tindahan nila. Lalo silang naghirap hanggang sa dumating ang araw na wala nang makain sila Kim at nangungutang na sya sa mga sari-sari store. Nahinto na rin sya sa pag-aaral.

Sa sobrang kawalan ng pag-asa , sumali  sya sa WILL TIME BIGTIME, bilang contestant , in-interview pa sya ni Willie at sabi nya nawawala ang kanyang ina . Nanawagan sya kung sino ang nakakaalam nang kinaroroonan ng kanyang ina. Nakiusap sya kay Willie kung pwede syang kuning  dancer dahil kailangan nya mabuhay at dahil walang-wala na syang pera para sa kanila ng lola nya. Kinuha naman sya ni Willie bilang dancer. 

Pagkaraan ng anim na buwan ay lumitaw ang nanay nya. Dito ay nagkapatawaran sila. Nagtuloy-tuloy na ang tagumpay ni Kim hanggang sa nabigyan nya ng bahay ang pamilya niya.

Tunghayan ang kuwento ni Kim Domingo na kanya mismong pinangungunahan, kasama si Tessie Tomas as Lola Milagros, Snooky Serna as Nanay Filipina, Geleen Eugenio as Tita, Juancho Trivino as Manny at Arny Ross as Badette. 

Ang Kim Domingo Story ay idinirehe ni Adolf Alix Jr. Sa panulat ni Jessie G. VIllabrille at sa pananaliksik ni Gel M. Lauño. Ngayon Sabado (July 15) na sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento.