IN PHOTOS: Superstar Nora Aunor stars in this Saturday's #MPK

GMA Logo Superstar Nora Aunor

Photo Inside Page


Photos

Superstar Nora Aunor



Tampok ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor sa espesyal at natatanging kuwento ni Nancy Cañares, isang caregiver ngayong Sabado sa #MPK o Magpakailanman.

Dahil sa husay ni Nancy bilang caregiver, inalok s'ya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa.

Iwanan kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa? O palalampasin na lamang ni Nancy ang magandang oportunidad na ibinibigay sa kanya?

Ano pa kaya ang sakripisyo na kayang ibigay ni Nancy para maiahon sa hirap at sakit ang mga mahal n'ya sa buhay?

Abangan ngayong Sabado, May 1, sa #MPK o Magpakailanman, “Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story.”

Kasama rin sina Ricky Davao, Diva Montelaba, Angeli Bayani, Chlaui Malayao, Rexcy Evert, Mannix Mannix, Roy Sotero, Cathy Remperas at Enrico Reyes.

Ang episode na ito ay sa ilalim ng premyadong direksyon ni Maryo J. delos Reyes DGPI, mula sa panulat ni Vienuel Laviña Ello, at pananaliksik ni Karen P. Lustica.


Nora and Ricky
Ang pipiliin ni Nancy
Alaga
Caregiver
Problema
Diva Montelaba
Rebelde
Nancy
Paghihirap
Heart attack
Chlaui Malayao
Masaya

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City