What's on TV

Magpakailanman presents "Nakawin natin ang bawat sandali"

Published July 20, 2018 11:41 PM PHT
Updated July 21, 2018 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Hanggang saan ang kakayaning ipaglaban ng dalawang pusong nagmamahalan sa gitna ng pagkakaiba ng lahi at tradisyon?

Hanggang saan ang kakayaning  ipaglaban ng dalawang pusong nagmamahalan sa gitna ng pagkakaiba ng lahi at tradisyon? Tuluyan na nga kaya silang paglayuin ng tadhana o tadhana na rin ang gagawa ng paraan upang sila’y pagtagpuing muli?

Pinaglayo ng mahabang panahon sina LISA at ARON nang ikasal sa kapuwa niya Tsino si Aron bilang bahagi ng isang tradisyon…upang isang araw ay muling pagtagpuin ng kapalaran sa isang mahiwagang pagkakataon.

Ipagpatuloy pa kaya nila ang naudlot na pagiibigan kahit ito ay bawal?

Sa darating na Sabado, July 21, isang naiibang kuwento ng pag-ibig ang muling hihipo sa inyong mga puso sa “Magpakailanman” na pinamagatang “Nakawin Natin ang Bawat Sandali”.

Sa pangunguna nina David Licauco bilang Aron at Shaira Diaz bilang Lisa. Kasama sina Eric Quizon bilang Chui, Bernadette Allyson bilang Ling, Lovely Rivero bilang Elena, Simon Ibarra bilang Mateo, Janice Hung bilang Shirley, Hannah Precillas bilang Ikay at Ginger A bilang Susay.

Sa direksyon ni Conrado Peru mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa  at sa masusing pananaliksik ni Stanley Pabilona.