
Paano nga ba pagtatagpuiin ang dalawang puso na sa mata ng karamihan ay imposibleng magmahalan ng walang hanggan?
Imposible sa iilan dahil ang babae ay physically-challenged dahil sa bukol sa kanyang likuran habang ang lalaki ay aminadong isang…binabae!
Sa pangunguna nina Divine at Tetay, tunghayan ang nakakakilig at totoong kwento na kung saan magpapatunay na hindi nasusukat sa itsura, edad o pinili mong kasarian ang pagmamahal ng walang hanggan.
Makakasama sa nasabing episode sina Mel Martinez, Tetchie Agbayani, Tanya Gomez, JJ Ararao at Marlon Mance na pinamagatang “Kapag Tumibok ang Puso”, sa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan, mula sa panulat ni Charlotte Dianco at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos. Mapapanood ito ngayong Sabado, Setyembre 29, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng The Clash.