What's on TV

Katrina Halili, nagpasalamat sa panalo ng kaniyang latest 'Magpakailanman' episode

By Marah Ruiz
Published January 7, 2019 6:13 PM PHT
Updated January 7, 2019 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Up to 58 stung by jellyfish at Dagupan beach
6/49 prize hits P164M as no jackpot winners in PCSO’s major lotto draws
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpasalamat si Katrina Halili sa panalong ratings ng nakaraang episode ng 'Magpakailanman' na pinagbidahan niya.

Tila isang belated birthday gift para kay Kapuso actress Katrina Halili ang ratings ng nakaraang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman na pinagbidahan niya.

Katrina Halili
Katrina Halili


Tampok si Katrina bilang ang mapang-akit na madrastang si Mikaela sa episode na pinamagatang "Mahal Ko ang Asawa ng Ama Ko."

Umere ito noong January 5, isang araw matapos ang kaniyang kaarawan noong January 4.

Nagtala ang episode ng 13.0 laban 7.7 ng kasabay na palabas sa kabilang estasyon.

Base ito sa National Urban Philippines Audience Shares ng Nielsen Television Audience Measurement.

"Maraming salamat sa lahat ng nakanuod ng Magpakailanman “mahal ko ang asawa ng tatay ko” directed by @lifeisbyutipaul," sulat niya sa kanIyang Instagram account.

Maraming salamat sa lahat ng nakanuod ng Magpakailanman “mahal ko ang asawa ng tatay ko” directed by @lifeisbyutipaul

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili) on


Trending din sa number one spot ngayong araw na ito, January 7, ang nasabing episode sa YouTube. Sa katunayan, may 986,396 views na ito sa video sharing site as of press time.


Panoorin ang episode na ito kung saan tampok din sina Allan Paule, Dion Ignacio at Bruce Roeland.