What's on TV

EXCLUSIVE: Will Ashley at Sofia Pablo, kinabahan sa kanilang kakaibang roles sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan
Published January 24, 2019 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News



Pagbibidahan nina Gelli de Belen, Will Ashley, Lucho Ayala at Sofia Pablo ang episode ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado, January 26, na pinamagatang 'Arrest My Son's Rapist.'

Isa na namang kakaibang kuwento ang mapapanood ngayong Sabado, January 26, sa Magpakailanman. Pagbibidahan nina Gelli de Belen, Will Ashley, Lucho Ayala at Sofia Pablo ang episode na pinamagatang 'Arrest My Son's Rapist.'

Will Ashley at Sofia Pablo
Will Ashley at Sofia Pablo


Sa pamamagitan ng text message sa GMANetwork.com, ikinuwento ng dalawang young Kapuso stars ang naging karanasan nila sa paggawa ng naturang episode.

"Challenging po kasi ang role, first time na experience pero sa tingin ko kaya ko po gampanan. Medyo nahirapan ako pero okay lang po para ma-improve ko ang craft ko, at maiparamdam at maiarte ko ang pinagdaanan ng tunay na nangyari," saad ni Will nang tanungin kung ano ang nagpapayag sa kanya na tanggapin ang role ni Cris, isang binatilyong minolestya ng kanyang gurong bading.

Dagdag pa niya, "Gay related story po ito, sanay naman po ako makisama at makipagkaibigan sa mga gay. Pati mama ko po magaan ang loob sa mga member ng LGBT."

Si Sofia naman, napasabak sa kanyang first onscreen kiss sa episode na ito.

Aniya, "More on kinabahan po kasi first time ko po gagawin 'to and tiwala naman ako kasi parang tatay ko na ang director namin na si Direk Neal [del Rosario] na talagang na-guide ako. Kinabahan din si Mommy pero may tiwala din po siya sa team ng Magpakailanman at kay Will."

Abangan ang Magpakailanman ngayong Sabado, January 26, pagkatapos ng Daddy's Gurl.