
Lagi raw inspirasyon ng aktres na si Lotlot de Leon ang kanyang pamilya. Kaya naman talagang na-inspire siya sa kanyang pagganap sa upcoming episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Tampok sa episode ang tatlong henerasyon ng isang pamilya na lubos na nagsikap para unti-unting maabot ang kanilang mga pangarap.
Nagbahagi si Lotlot ng picture ng kanyang pamilya, kabilang ang kanyang asawa, mga anak, mga kapatid, pati na mga partners ng mga ito.
"Malaking bagay sa akin ang mga mahal ko sa buhay..kaya minsan kahit mahirap buong puso kong hinaharap ang mga pagsubok sa buhay..sila ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Kasama ng pasisikap, hirap at tyaga kaya malampasan kahit ano..parang episode lang namin sa Magpakailanman ngayong dadating na Sabado. puno ng pagmamahal," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Panoorin ang pagganap ni Lotlot at marami pang mahuhusay na artista sa Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga, isang special presentation ng Magpakailanman ngayong Sabado, February 9 pagkatapos ng Daddy's Gurl.