What's on TV

#MyTurn: Sanya Lopez, nag-react sa pagiging macho dancer ni Jak Roberto

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 20, 2019 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies to bring cloudy skies, rain over Palawan, VisMin
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ano naman kaya ang masasabi ni Sanya Lopez sa bagong role ng kanyang kuya na si Jak Roberto?

Kilala si Jak Roberto bilang istriktong kuya sa kanyang nakababatang kapatid at kapwa artista na si Sanya Lopez.

Sanya Lopez
Sanya Lopez

Laging binibiro ni Jak sa social media na makakatikim ng palo si Sanya tuwing may ginagawa siyang sexy scenes sa teleserye o kaya sa pelikula.

Ngayong gaganap si Jak bilang si Dante Gulapa sa Magpakailanman, ginantihan naman ni Sanya ang kanyang kuya at sinabing ilalabas niya ang pamalo ni Jak.

"Huyyyyy!!! Ilabas ko na kaya yung pamalo mo," komento ni Sanya sa post ni Jak sa Instagram.

Sagot naman ng kanyang kuya, "Sige una kong ipapalo sa 'yo yan."

Magpakailanman “Viral Macho Dancer” “Dante Gulapa story”

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Suportado naman ng kanyang Kara Mia co-stars at iba pang Kapuso artists si Jak.

Mapapanood ang Magpakailanman: Viral Macho Dancer (The Dante Gulapa Story) ngayong Sabado, March 23, pagkatapos ng Daddy's Gurl.

Araw-araw ding mapapanood sa GMA Telebabad si Jak sa Kara Mia kasama sina Barbie Forteza, Mika Dela Cruz at Paul Salas.