What's on TV

Magpakailanman presents "Isang Milyong Pasasalamat Kay Ina"

Published May 20, 2019 1:44 PM PHT
Updated May 20, 2019 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Isa na namang espesyal na pagtatanghal ang mapapanood sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado.

Ilaw ng tahanan kung tawagin natin ang ating mga Ina. Madalas ay sila ang unang-unang nagsasakripisyo para sa atin na kanilang mga anak. Lahat nga ay kanilang gagawin upang mapabuti lang ang ating kinabukasan.

Dahil hindi sapat ang kinikita ni Diony, kinailangang tumulong ni Beng sa paghahanap-buhay. Mula pa man noon ay magkatuwang na silang mag-asawa sa pagtataguyod sa kanilang tatlong anak. Ang panganay nilang anak na si Rotski naman ay nakitaan na ni Beng ng kasipagan sa pag-diskarte sa buhay mula noong bata pa lang siya. Nagtitinda si Beng ng kahit anong pwede niyang pagkakitaan may mai-dagdag lang siyang pera para sa pag-aaral at pangangailangan ng kanyang mga anak.

Bawat isa sa kanilang pamilya ay nangangarap ng isang maginhawang buhay. Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nasunog naman ang paupahan ni Beng. Halos sumuko na sila pero nagpakatatag ang pamilya. Si Rotski ay nagsimulang magbenta ng mga accessories hanggang sa magkaroon ng puhunan at mapalago niya ito. Nag buy and sell siya ng bike, motor at kotse. Nakapag tayo naman si Diony ng sarili niyang repair shop.

Nagpatuloy ang pagpupursigi ng bawat miyembro ng pamilya sa pagkayod pero hindi nagtagal ay nalugi ang negosyo ni Diony na repair shop. Na-depress si Diony at pakiramdam niya ay wala na siyang silbi sa kanilang pamilya. Hanggang sa nalulong na siya sa alak. Pilit namang ibinangon ni Beng si Diony at ipinadama ang suporta sa asawa.

Nag-offer si Rotski na tulungan ang ama at magtayo nalang ng ibang negosyo pero nagalit si Diony kay Rotski. Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama dahil sa gustong mangyari ni Rotski.

Paano nga kaya maaayos ni Beng ang mga problemang hinaharap ng kanyang pamilya? Mabuo pa kaya ang kanilang pamilya o tuluyan ng magka watak-watak? Yan ang sama sama nating subaybayan sa Sabado May 25, 2019 pagkatapos ng Daddy's Girl.

Ang isa na namang espesyal na pagtatanghal na ito ng Magpakailanman ay pinagtatampukan nila Aiai Delas Alas bilang Beng, Martin del Rosario, bilang si Rotski, Rey PJ Abellana bilang Diony, Marc Justine Alverez bilang Young Rotski, Liezel Lopez bilang Clarisse, Jenzel Angeles bilang Des, Jayla Villaruel bilang Denden, Rein Adriano bilang Young Des, at Princess Aguilar bilang Young Denden. Sa mahusay na direksyon ni Rechie del Carmen, pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona at panulat ni Loi Argel Nova.