What's on TV

Magpakailanman presents "Nakawin Natin Ang Bawat Sandali"

Published June 3, 2019 12:31 PM PHT
Updated June 3, 2019 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Hanggang saan ang kakayaning ipaglaban ng dalawang pusong nagmamahalan sa gitna ng pagkakaiba ng lahi at tradisyon? Panoorin ang naiibang kuwento ng pag-ibig na muling aantig sa inyong mga puso sa 'Magpakailanman.'

Hanggang saan ang kakayaning ipaglaban ng dalawang pusong nagmamahalan sa gitna ng pagkakaiba ng lahi at tradisyon? Tuluyan na nga kaya silang paglayuin ng Tadhana o tadhana na rin ang gagawa ng paraan upang sila'y pagtagpuing muli?

Pinaglayo ng mahabang panahon sina LISA at ARON nang ikasal sa kapuwa niya Tsino si Aron bilang bahagi ng isang tradisyon…Upang isang araw ay muling pagtagpuin ng kapalaran sa isang mahiwagang pagkakataon.

Ipagpatuloy pa kaya nila ang naudlot na pagiibigan kahit ito ay bawal?

Sa darating na Sabado, June 8, isang naiibang kuwento ng pag-ibig ang muling hihipo sa inyong mga puso sa “Magpakailanman” na pinamagatang “Nakawin Natin ang Bawat Sandali”.

Sa pangunguna nina David Licauco bilang Aron at Shaira Diaz bilang Lisa. Kasama sina Eric Quizon bilang Chui, Bernadette Allyson bilang Ling, Lovely Rivero bilang Elena, Simon Ibarra bilang Mateo, Janice Hung bilang Shirley, Hannah Precillas bilang Ikay at Ginger A bilang Susay.

Sa direksyon ni Conrado Peru mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at sa masusing pananaliksik ni Stanley Pabilona.