What's on TV

Magpakailanman presents "Ang Pumatay ng Dahil Sa'yo"

Published September 3, 2019 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Anong kaya mong i-sakripisyo kung sa murang edad ay ikaw na lamang ang bumubuhay sa iyong mga kapatid? Ngayong Sabado, tunghayan sa 'Magpakailanman' ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan ng tatlong magkakapatid na sina Mark, Marvin at Michael.

Anong kaya mong i-sakripisyo kung sa murang edad ay ikaw na lamang ang bumubuhay sa iyong mga kapatid? Paano ka magiging isang magandang ehemplo kung kinailangan mo nang kumapit sa patalim para maitaguyod lamang sila?

Magpakailanman
Magpakailanman

Ngayong Sabado, tunghayan sa Magpakailanman ang kakaibang kwento ng pagmamahalan ng tatlong magkakapatid na sina Mark, Marvin at Michael.

Dahil maagang namatay ang kanilang mga magulang, ang panganay na si Mark na ang nagtaguyod kina Marvin at Michael. Pero dahil hindi nakatapos ng pag-aaral, nahirapan siyang maghanap ng trabaho, hanggang sa napilitan siyang sumapi sa isang drug syndicate. Ang kinikita niya dito ang ginamit niyang pangtustos sa pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid.

Pero darating ang araw na tatahakin na rin ng isa sa mga kapatid ni Mark ang maling landas. Huli na nang malaman niyang sumali rin ang isa sa mga ito sa isang sindikato. Dumating pa sa punto na naipit si Mark sa isang sitwasyon at kinailangan niyang pumili sa pagitan niya o sa buhay ng kanyang kapatid. Handa pa rin ba siyang magsakripisyo?

Sa pangunguna ng Kapuso Heartthrobs na sina Mark Herras, Jeric Gonzales at Yasser Marta, kasama sina Andrew Schimmer, David Remo, Will Ashley, Seth Dela Cruz, at Prince Clemente, tunghayan ang isa namang totoong kwento ng mga totoong tao na aantig sa inyong mga puso.

“Ang Pumatay Nang Dahil Sa 'Yo” ay sa direksyon ni Monti Parungao, mula sa panulat ni Loi Nova, at pananaliksik ni Stanley Pabilona.