GMA Logo
What's on TV

Magpakailanman presents "Yaya Dubai and I"

Published November 25, 2019 6:55 PM PHT
Updated December 23, 2019 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sends off over 2,000 cops for 2026 ASEAN meet in Central Visayas
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Herlene "Hipon Girl" Budol sa isa sa anniversary presentations ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado na pinamagatang "Yaya Dubai and I."

Totoong kuwento ito ni JENNY na isang OFW na niyaya nang pakasal ng kanyang boyfriend nang madestino siya sa Dubai upang mag-alaga ng isang sanggol na may cerebral palsy.

Naging malapit ang puso ni Jenny sa kanyang alaga na lubos namang ikinahanga ng kanyang guwapong Egyptian boss na si HANY. Nang hiwalayan si Hany ng kanyang first wife, unti-unti silang naging malapit sa isa't isa pero nagkaroon uli ng isa pang asawa ang lalaking amo niya.

Magkakaroon pa kaya ng daan para tuluyang ma-ihayag nina Hany at Jenny sa isa't isa ang tunay nilang damdamin para sa isa't isa? Paano na ang boyfriend ni Jenny na naghihintay sa Pilipinas?

Pinagbibidahan ito ng nakilala nating "Hipon Girl" sa programang 'Wowowin na si Herlene Budol. Makakasama pa sina Lotlot De Leon, Vaness Del Moral, Mike Agassi, Euwenn Aleta, Marlon Mance, Ana De Leon, at Joaquin Manansala.

Sa ilalim ng direksyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Tina Samson - Velasco at pananalisksik ni Loi Argel Nova.

Abangan ang isa sa anniversary presentations ng Magpakailanman sa Sabado, November 30, pagkatapos ng Daddy's Gurl.