GMA Logo Sexy Hipon Herlene Budol in Magpakailanman
What's on TV

"Sexy Hipon" Herlene Budol, unang acting project ang #MPK

By Marah Ruiz
Published November 27, 2019 12:23 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sexy Hipon Herlene Budol in Magpakailanman


Unang mapanonood sa programang #MPK ang acting debut ni "Sexy Hipon" Herlene Budol.

Sa unang pagkakataon, mapanonood bilang lead actress ang viral sensation at Wowowin co-host na si "Sexy Hipon" Herlene Budol.

Siya kasi ang bida sa isa sa mga anniversary special ng real-life drama anthology na Magpakailanman o #MPK.

Sa November 30 episode na pinamagatang "Yaya Dubai ang I," gaganap si Herlene bilang Jenny, isang overseas Filipino worker (OFW) na makikipagsapalaran sa Dubai.

Madedestino siya rito para mag-alaga ng isang batang may cerebral palsy, na gagampanan ng Kapuso child actor na si Euwenn Aleta.

Hahanga naman ang kanyang Egyptian boss na si Hany, na gagampanan ni Mike Agassi, dahil si Jenny lang ang naging pasensiyosa at tumagal na nag-alaga sa kanyang anak.

Mapapalapit ang puso ni Hany kay Jenny dahil sa pag-aaruga nito kay Mody.

Dalawang babae na rin kasi ang nakipaghiwalay sa kanya dahil hindi matagalan ang kapansanan ng anak.

Paano babaguhin ni Jenny ang buhay ng mag-ama?

Abangan ang unang acting project ni Sexy Hipon Herlene sa isa sa mga anniversary special na "Yaya Dubai and I" ngayong Sabado, November 30, sa #MPK, pagkatapos ng Daddy's Gurl.