GMA Logo
What's on TV

Dennis Trillo, lubos na humanga sa OFW na ginampanan niya sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 13, 2019 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Lubos na hinangaan ni Dennis Trillo si Rens Tuzon, ang OFW na tampok sa anniversary special ng '#MPK.'

Maituturing daw ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na isang "modern day hero" si Rens Tuzon, ang OFW na tampok sa pinagbibidahan niyang anniversary special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Dennis Trillo
Dennis Trillo

"Ang masasabi ko sa kanya ay sumobrang bilid ako sa kanya [at] sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Talagang mako-consider ko siya bilang modern day hero dahil doon sa ginawa niya at pinagdaanan niya sa ibang bansa--'yung ginawa niyang pagsagip doon sa mga kababayan natin doon, 'yung pagmamalasakit niya doon," pahayag ni Dennis.

"Itong taon ginampaman ko, mayroon siyang mga sariling problema, pero gayunpaman ay talagang sinikap pa rin niyang tulungan 'yung mga kababayan nating nangangailangan doon sa ibang bansa," dagdagp pa niya.

Samantala, inanyayahan din ni Dennis ang mga manonood na tunghayan ang pagpapatuloy ng kuwento ni Rens.

"Salamat sa lahat ng nanood ng first part ng anniversary special ng #MPK. Abangan niyo po ang part 2 ngayong darating na Sabado. Kailangan mapanood niyo 'to dahil kung hindi, mabibitin kayo," aniya.

Panoorin ang behind-the-scenes video na ito mula sa set ng #MPK.



Huwag palampasin ang part two ng "OFW Most Wanted," ngayong Sabado, December 14, sa #MPK, pagkatapos ng Daddy's Gurl.



#MPK celebrates anniversary with two-part suspense drama special

Former OFW gets emotional after watching Dennis Trillo portray his life in 'Magpakailanman' special