
Balik-tambalan sina Maine Mendoza at Ruru Madrid sa upcoming episode ng real life drama anthology na Magpakailanman or #MPK.
Minsan nang nagtambal ang dalawa sa weekly sitcom na Daddy's Gurl kung saan gumaganap si Maine bilang bidang si Stacy, habang si Ruru naman ang recurring character na si Anton, isang social media influencer.
"Sa Daddy's Gurl talaga, may nabuo na rin na love team doon. May mga fans na rin 'yung AntCy--Anton tsaka Stacy," pahayag niya.
First time ni Maine sa #MPK kaya masaya siya na si Ruru ang makakatrabaho niya dito.
"Masaya! Masaya siyang katrabaho kasi kenkoy din, makulit din," paglalarawan Maine sa aktor.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:
#MPK: Kasal sa Funeral | Teaser Ep. 370
Magpakailanman presents "Kasal sa Funeral"