GMA Logo
What's on TV

Magpakailanman presents "My Haunted Daughter"

Published March 12, 2020 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Katrina Halili revives Black Darna outfit on 40th birthday
Man nabbed for illegal possession, sale of snake in Tagum
NAIA Terminal 1 steps up game for migrant workers with upgraded OFW Lounge

Article Inside Page


Showbiz News



Hatid ng #MPK ang isang makapanindig-balihibo ngunit nakaaantig na kwento ng isang pamilya na pinamagatang “THE HAUNTED DAUGHTER”.

Paano kung naatasan kang maging taga-bantay sa isang mansyon na pinaniniwalaang pinamamahayan ng masasamang espiritu? Handa ka bang manirahan dito kung kasama mo ang iyong pamilya?

Pero paano kung ang isa sa mga anak mo ay sapian ng hindi lang iisang kaluluwa at demonyong namamahay dito? Paano mo ito haharapin kung hindi mo naman ito pinaniniwalaaan? Paano mo maiiligtas ang iyong anak bago pa tuluyang angkinin ng mga demonyo ang kanyang katawan?

Ngayong Sabado, ika-labing apat ng Marso, alamin ang kababalaghang bumabalot sa isang mansyon na pinangalagaan ng mag-asawang sina Diego at Nancy na nagdala ng nakagigimbal na paghihirap sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang anak na si Rona.

Sa pangunguna nina Kapuso actress Althea Ablan, Smokey Manaloto, at Angeli Bayani, kasama si John Kenneth Giducos.

Hatid ng #MPK ang isang makapanindig-balihibo ngunit nakaaantig na kwento ng isang pamilya sa kuwento na pinamagatang “THE HAUNTED DAUGHTER”.

Sa direksyon ni Jorron Monroy, panulat ni Loi Argel Nova at pananaliksik ni Angel Lauño.