
Kilala si Inggo bilang isang notorious na pulis. Kinatatakutan siya hindi lang sa mundo ng mga kriminal kundi maging sa kanyang sariling komunidad.
Bagama't marami siyang pagkukulang bilang asawa, sinisikap naman niyang maging isang mabuting ama. Kung kaya't iniidolo siya at pinangarap ng kanyang paboritong anak na si Gary na sundan ang kanyang yapak bilang isang alagad ng batas.
Ngunit nang maging isang ganap na pulis si Gary, isang malagim na trahedya ang magaganap.
May puwang kaya sa puso ni Inggo ang pagpapatawad kung ang kanyang sariling anak ang siningil ng kanyang karma?
Tunghayan ngayong Sabado, March 28, ang isang espesyal na handog ng Magpakailanman na pinamagatang “Karma Ng Ama”.
Pinagbibidahan ito ni Victor Neri sa kanyang natatanging pagganap bilang Inggo. Kasama rin sina Tina Paner, Kelvin Miranda, Alchris Galura at Faye Lorenzo.
Sa direksyon ni Rechie del Carmen, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Loi Argel Nova.