What's on TV

Beki barkadang mahilig sa basketball, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published April 22, 2020 6:53 PM PHT
Updated April 23, 2020 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Beki Basketball Beauties


Balikan ang kuwento ng limang beki na hindi magpapatalo sa basketball sa '#MPK.'

Tampok muli ngayong Sabado, April 25 sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang kuwento ng limang magkakabarkadang beki mula sa Tondo na mahilig sa basketball.

Sila man ang laging bida at nagbibigay-saya tuwing mga fiesta o paliga, may kanya-kanya rin palang mabigat na pinagdaraanan ang lima.

Si Iwa (Mart Escudero) ang breadwinner ng kanyang pamilya pero hindi pa rin nakakalimot na tumulong sa kanyang kapwa.

Si MC (Phytos Ramirez) naman ay working student na nagpupursigeng magtapos sa pag-aaral, lalo na nang malaman niyang ampon siya.

Hindi naman tanggap ng sundalo niyang ama si Amor (Donita Nose) kaya nililihim niya dito ang tunay niyang pagkatao.

Ulila naman ang pinakabatang si Jayson (Buboy Villar) kaya inampon siya ng grupo.

Walang tigil naman sa raket si Ola (Kelvin Miranda) para kumita ng pera para sa kanyang mga magulang.

Bukod sa kanila, kabilang din sa episode sina Ralph Noriega, Tom Olivar, Gigi Locsin, Ollie Espino, Anthony Rosaldo, Arny Ross at JC Tan.

Tunghayan ang "Beki Basketball Beauties" ngayong Sabado, April 25, 8:50 pm sa '#MPK.'