IN PHOTOS: Kuwento ng magkapatid na Bilog at Bunak, tampok sa '#MPK'

GMA Logo Viral Siblings on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Viral Siblings on #MPK



Balikan ang kuwento ng magkapatid na nag-viral sa social media dahil sa kanilang cute video sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.


Umabot ng mahigit 2.5 million views ang video ng magkapatid kung saan mapapanood na sinusubukan ng isa na kumanta, habang iniistorbo naman ng isa.


Ang magkapatid na ito ay sina Bilog at Bunak Tiongson, na ibinahagi ang kuwento sa likod ng kanilang viral video sa #MPK.

Laki sa hirap ang magkapatid dahil inabandona sila ng kanilang amang si Dan at mag-isang itinataguyod ng kanilang inang si Anna.

Sa pag-asang makita ng kanyang ama, susubukang gumawa ng video ni Bilog na kinakanta ang Tagalog version ng "Dance with My Father" ni Luther Vandross.

Habang kinukunan ang sarili, kinukulit naman siya ng kapatid na si Bunak at mauuwi pa sa pag-aaway ng dalawang bata!

Ipo-post pa rin ng kanilang kapatid ang video at magba-viral ito!

Umabot kaya ang video sa amang hinahanap nila?

Abangan ang kanilang kuwento sa episode na pinamagatang "Viral Siblings: The Bilog and Bunak Tiongson Story" ngayong Sabado, September 4, 7:15 pm sa '#MPK.'


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Leanne Bautista
Kenken Nuyad
Magkapatid
Lotlot de Leon
Gardo Versoza
Mag-ina
Group photo
Bilog
Video
Bunak

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST routs NU, forces do-or-die for women’s basketball title
Dennis Trillo unboxes Best Actor trophy from Asian Academy Creative Awards 2025
Man caught on CCTV robbing coffee shop in GenSan