
Tampok sa natataning pagganap ang mga Kapuso actresses na sina Klea Pineda at Chlaui Malayao sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.
Bibigyang-buhay nila si Trina, isang babaeng musmos pa lang ay sumalang na sa cyber pornography o cyberporn dahil sa hirap ng buhay.
Si Chlaui ang batang si Trina, na unang sasabak sa pagsho-show para sa mga dayuhan nang biglang kailanganin ng kanilang pamilya ang pera para mapa-ospital ang kapatid.
Si Klea naman ang gaganap bilang si Trina nang ito ay magdalaga na. Hanggang sa kanyang paglaki, hindi pa rin tumitigil ang paghuhubad niya para sa mga dayuhan sa internet.
Kasama nina Klea at Chlaui si Glydel Mercado na gaganap bilang kanilang inang si Celia, habang si Allan Paule naman ang kanilang amang si Baron.
Abangan ang kanilang kuwento sa "Mga Batang Hubad: The Cyberporn Family Story," ngayong Sabado, September 5, 8:00 pm sa '#MPK.'