
Matapos ang mahigit anim na buwan na community quarantine ay muli nang sumabak sa pag-arte si Kapuso actress Bea Binene.
Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules, September 23.
Ang kanyang unang acting gig ay para sa fresh episode ng drama anthology na #MPK o Magpakailaman. Dagdag pa niya, gaganap siyang married woman dito.
Source: beabinene (IG)
Bago pa man opisyal na magbalik-trabaho, ginugol ni Bea ang kanyang quarantine period sa pamamahala ng kanyang online food business na Bea Bakes.
Si Bea mismo ang nagbe-bake ng mga ibinebenta niyang cookies, muffins, at kung ano-ano pang sweet treats.
Source: beabinene (IG)
Bukod dito, naglaan din ng oras ang aktres, na isang K-drama fan, sa panonood ng mga paborito niyang South Korean dramas.