What's on TV

Shaira Diaz, gaganap bilang matulunging nurse na nag-viral sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 1, 2020 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Bibigyang-buhay ni Shaira Diaz ang kuwento ng nurse na tumulong sa isang babaeng nanganak sa kalye sa fresh episode ng '#MPK.'

Buhay ng isang bayaning frontliner ang tampok sa fresh episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Agad na nag-viral ang video ng nurse na si Lorraine Pingol habang tinutulungan ang isang babaeng nanganak sa kalye.

Papasok na si Lorraine sa pinagtatrabahuhang pribadong health insurance company nang humungi ng tulong sa kanya ang ilang barangay officials.

Sa likod ng kabutihang loob ni Lorraine, marami din pala siyang pagsubok na hinarap sa buhay tulad ng pagkakaroon ng bone marrow cancer.

Mas kilalanin pa si nurse Lorraine sa fresh episode na pinamagatang "Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story."

Si Shaira Diaz ang gaganap bilang nurse Lorraine habang si Yayo Aguila naman ang kanyang inang si Wilma.

Kabilang din sa episode sina Anthony Rosaldo at Luis Hontiveros.

Tunghayang ang bago at napapanahong episode na "Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story" ngayong Sabado, October 3, 8:15 pm sa '#MPK.'