
Tampok si Kapuso actress Bea Binene sa fresh episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Sa isang natatanging pagganap, bibigyang-buhay ni Bea si Lorie, isang biktima ng domestic abuse.
Relihiyoso ang mapapangasawa niyang si Dexter, na gaganapan ng award-winning Kapuso actor Martin del Rosario.
Kaakibat ang kanilang pananampalataya, magsisimula ang kanilang buhay bilang mag-asawa.
Pero habang tumagatal, mag-iiba ang pakikitungo ni Dexter kay Lorie.
Aabot ito sa punto na madalas nang pagbuhatan ng kamay ni Dexter si Lorie. Bukod dito, ikinakandado niya sa Lorie sa bahay para hindi ito makalabas!
Makakatakas pa ba si Lorie mula kay Dexter?
Tunghayan ang episode na pinamagatang "The Lockdown Wife" ngayong Sabado, October 10, 8:15 pm sa '#MPK.'