
Bahagi si Kapuso actress Angela Alarcon ng fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
"Hindi mo masasalba 'yung relationship kapag inunahan mo ng pang-aabuso or violence," pahayag ni Angela sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.
Nais din niyang hikayatin ang mga nakararanas ng pang-aabuso na magsalita at magsumbong sa pamamagitan ng #MPK episode na ito.
"Sa mga nagsu-suffer ng mga violence sa mga relationship, gusto ko rin matututo 'yung mga viewers na maging mas brave pa to come forward or mag-report agad sa mga kakilala nila na trusted na mga kapamilya or trusted authorities.
"Kapag may senyales na ng pang-aabuso sa mga relationship nila, mag-come forward na sila agad para hindi na mas lumala pa," aniya.
Abangan si Angela sa fresh at brand new episode na "Mister, Bugbog Kay Misis" ngayong Sabado, November 28, 8:15 p.m. sa #MPK.
Silipin din ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: