What's on TV

Jay Manalo, gaganap bilang lalaking may limang asawa sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 18, 2021 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH's Herbosa: Letting kids buy, use firecrackers like child abuse
Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Manalo on MPK


Abangan ang kuwento ng kakaibang pamilyang ito episode na pinamagatang "Isang Mister, Lima ang Misis" ngayong Sabado, March 20, 8:00 pm sa '#MPK.'

Paano nga ba maghahatian ang limang babae sa iisang mister, lalo na at sama sama silang nakatira sa ilalim ng isang bubong?

'Yan ang kuwentong tampok sa isang epsideo ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tapok dito ang aktor na si Jay Manalo bilang Joseph, isang negosyanteng umabot ng hanggang lima ang asawa.

Isang Mister Limang Misis on MPK


Ang una at legal niyang asawa ay si Madel, na gagampanan ni Ina Feleo.

Isang araw, dadalhin ni Joseph sa bahay si Elaine, role naman ni Rochelle Pangilinan. Ipapakilala din niya ito bilang asawa. Bitbit pa na nito ang dalawang anak nila ni Joseph.

Dahil nagbanta si Joseph na iiwan siya, papayag na rin si Madel na tumira si Elaine at kanyang mga anak sa bahay nila.

Kahit nagsama sila nina Madel at Elaine, magkakaroon pa rin si Joseph ng relasyon kay Clarisse, na si Winyn Marquez ang gaganap.

Nang magdalangtao si Clarisse, isasama siya ni Joseph sa bahay na tinitirahan nila nina Madel at Elaine.

Tulad ng dati, nagbanta muli si Joseph na iiwan sila kaya pumayag si Madel na doon na rin tumira si Clarisse.

Kalaunan, mabubuko naman ni Clarisse ang relasyon ni Joseph kay Baby, na gagampanan ni Ana Capri.

Tila sa paglawak ng negosyo ni Joseph ay nagkakaroon siya ng bagong asawa sa bawat lugar na pagtatayuan niya ng negosyo!

Abangan ang kuwento ng kakaibang pamilyang ito episode na pinamagatang "Isang Mister, Lima ang Misis" ngayong Sabado, March 20, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: